SISIGURADUHIN | Sen. Lacson, tiniyak na maipatutupad sa susunod na taon ang National ID System

Manila, Philippines – Tiniyak ni Senador Panfilo Lacson na maipapatupad sa susunod na taon ang Philippine Identification System Act o National ID System.

Ayon kay Lacson, hindi sapat ang dalawang bilyong pisong inilaan para sa National Id kaya papadagdagan nila ito kapag tinalakay na sa Senado ang Proposed National Budget para sa 2019.

Aniya, kakausapin nila ang Philippine Statistic Authority (PSA) at National Economic and Development Authority (NEDA).


Si Lacson at si Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pangunahing may akda sa National ID System.

Facebook Comments