Sinisilip na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang insidente ng pagpapalayas ng Chinese Coast Guard ng news team ng GMA Network kasama ang ilang Pilipinong mangingisda sa Panatag Shoal.
Ayon kay AFP spokesperson, Brig/Gen. Edgard Arevalo – hindi nila ipinagsasawalang kibo at ipinagsasawalang bahala ang mga ganito.
Pero iginiit ni Arevalo na may iba pang ahensya ng pamahalaan na tumatalakay at nagreresolba ng ganitong usapin partikular ang Department of Foreign Affairs (DFA).
Matatandaang iniulat ng GMA news reporter na si Jun Veneracion na sinita sila ng mga tauhan ng Chinese Coast Guard sa pag-cover sa lugar.
Iginiit ng TV news correspondent na bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas ang Panatag Shoal pero nanindigan coast guard ng China na bahagi ng teritoryo ng kanilang bansa ang karagatan.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>