SISILIPIN | Bigas na may bukbok, iimbestigahan ng Kamara

Manila, Philippines – Iraratsada ng Kamara ngayong pagbabalik sesyon ang imbestigasyon sa problema sa bukbok sa bigas.

Ipapatawag sa pagsisiyasat ng House Committee on Agriculture ang Department of Agriculture at National Food Authority kaugnay sa hindi matapos-tapos na problema sa bigas.

Ayon kay House Committee on Agriculture Chairman Jose Panganiban, sumulat na ang kanyang komite sa DA at NFA para pagpaliwanagin kung bakit binukbok ang malaking volume ng imported rice at kung bakit tumaas hanggang P70 per kilo ang bigas sa ilang lugar sa Mindanao.


Hindi rin katanggap-tanggap ang pahayag ng NFA na pwede pang ipamahagi o ibenta ang binukbok na bigas sa Subic matapos itong ma-i-fumigate.

Maituturing aniyang iresponsable ang pahayag na ito lalo kung wala pang sertipikasyon kung fit for human consumption ang binukbok na bigas.

Muli namang pinawi ni Panganiban ang pangamba ng mga magsasaka sa rice tarrification.

Aniya, panalo ang lahat dito dahil ang P20 Billion na kikitain sa taripa sa imported rice ay ibubuhos sa subsidiya sa sektor ng mga magsasaka.

Facebook Comments