SISILIPIN | Mga bodega na sangkot umano sa rice cartel sa bansa, pinaiinspeksyon

Manila, Philippine – Pinaiinspeksyon ng House Committee on Food and Agriculture sa National Food Authority (NFA) at Department of Agriculture (DA) ang mga trader ng rice cartel sa Metro Manila.

Ang mga ito ang tinukoy ni Manila Rep. Manuel Luis Lopez na dahilan ng pagpatay sa kabuhayan ng mga local farmer at local rice production sa bansa.

Nagkasundo ang komite na inspeksyunin agad ang 13 pinangalanan na rice traders na matatagpuan sa Tondo, Maynila:
Evergreen;
Rising Sun;
GRC;
CGG;
Expo;
ARNS;
Working Gold;
Leoneco;
PMT;
Hype Rice;
LM Rice Cereal;
MML Grain Center;
At Grandio.


Hiniling din ng mga miyembro ng komite na umaksyon na kaagad ang DA at NFA para maipatigil ang anumang transaksyon ng mga ito.

Paliwanag ni Lopez, ang DA at NFA lamang ang may police powers para gawin ang pag-inspeksyon sa mga rice trader.

Facebook Comments