SISIMULAN NA | Konstruksyon ng Metro Manila subway, aarangkada na

Sisimulan na ang konstruksyon ng ₱350 billion metro manila subway project ng Department of Transportation (DOTr) sa darating na Disyembre.

Ayon kay Transportation Undersecretary for Railways TJ Batan, may habang 25 kilometro ang proyekto at kasalukuyang nasa procurement process na.

Ang unang tatlong istasyon na itatayo ay Quirino Highway, Tandang Sora at North Avenue.


Kapag natapos ang proyekto, mayroon itong 14 na istasyon na tatagos mula Quezon City hanggang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Facebook Comments