SISIMULAN NA | Pagpapatayo ng passenger terminal ng Clark International Airport, aarangkada na sa unang bahagi ng 2018

Manila, Philippines – Sisimulan agad sa unang bahagi ng 2018 ang pagtatayo ng passenger terminal sa Clark International Airport sa Pampanga.

Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, pinondohan ang pagpapatayo ng tatlong palapag na proyekto ng mahigit P9 bilyon at target na matapos sa loob ng dalawa’t kalahating taon.

Aniya, inaasahang walong milyong pasahero ang kayang i-accommodate ng dagdag na terminal kada taon.


Sa ikatlong kwarter naman ng 2018, aarangkada ang konstruksyon ng mega Manila subway.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno –isinasapinal pa ang feasibility study nito.

Sa ilalim ng proyekto, magtatayo ng 25.3 kilometer underground railway na tatagos mula Quezon City hanggang Taguig City na may 13 istasyon.

Facebook Comments