SISIMULAN NA | Passport on Wheels ng DFA, aarangkada na

Manila, Philippines – Good news sa mga residente ng Quezon City dahil Passport on Wheels ang DFA tutulak na sa naturang lungsod.

Aarangkada na ang Passport on Wheels ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa lungsod sa darating na April 2.

Ngunit paglilinaw ng Lokal na pamahalaan ng Quezon City sa darating na Huwebes na March 15 ang deadline ng pagpasa ng kumpletong requirements ng mga interesadong aplikante.


Para sa mga empleyado ng Quezon City Hall maaaring ipasa ang requirements sa Human Resource Management Department.

Sa Barangay and Community Relations Department naman maaaring makipag-ugnayan ang mga taga-Barangay at Non-Government Units.

Isang libong aplikante lamang ang tatanggapin ng DFA sa actual processing date April 2 at hindi tatanggapin ang walk-in applicants.

Facebook Comments