Manila, Philippines – Magkakaroon ng taas presyo sa produktong petrolyo ngayong araw.
Epektibo alas-6 ng umaga, tataas ang gasolina ng P0.20 kada litro, P0.65 sa kada litro ng diesel, at P0.75 sa kada litro ng kerosene.
Ang oil price hike ay bunsod pa rin ng paggalaw ng presyuhan sa world market.
Una nang pinaalalahanan ng Department of Energy ang Oil Industry Management Bureau (OIMB) na hindi pa dapat makaapekto sa presyo ng mga produktong petrolyo ang Tax Reform For Acceleration And Inclusion (TRAIN) Law.
Kapag ipinatupad pa ang excise tax, P2.97 ang idadagdag sa gasolina, P2.80 sa diesel habang P3.36 sa kerosene.
Facebook Comments