SISIRIT | Taas presyo sa produktong petrolyo, mararanasan ulit

Manila, Philippines – Paalala sa mga motorista, nagpa-full tank na ba kayo?

Dahil epektibo alas 6:00 ng umaga bukas, magpapatupad ng dagdag-presyo ang mga kumpanya ng langis.

Dagdag na P0.50 ang ipapatong sa kada litro ng gasolina habang P0.30 naman sa diesel.


Mas mataas ang dagdag sa kerosene na nasa P0.80.

Kabilang sa mga nag-anunsyo ng oil price hike ang ptt philippines, Flying V, Shell at Phoenix Petroleum.

Hindi naman magtataas ng presyo sa kerosene ang PTT at Phoenix.

Facebook Comments