Salpukan ng Elf at Motorsiklo, Isa Patay!

Naguilian, Isabela- Idineklarang Dead on the Spot ang drayber ng YTX motorcycle matapos sumalpok sa kasalubong na Elf sa Brgy. San Manuel, Naguillan pasado alas diyes ngayong araw Marso 5, 2018.

Kinilala ang drayber ng motorsiklo na si Ressie Ibarra , 30 anyos, may-asawa at residente ng San Miguel, Luna, Isabela samantalang kinilala naman ang drayber ng elf na si Leopoldo Malayao, 28 anyos, drayber at residente naman ng Brgy. Mangcuram, Ilagan, Isabela.

Sa eksklusibong pagsama ng RMN Cauayan News Team sa imbestigasyon ng PNP Naguilian, napag-alaman na binabagtas ng isuzu elf ang national highway patungong hilagang direksyon nang makasalubong ang rumaragasang motorsiklo na minamaneho ni Ibarra.


Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan si Ibarra matapos pumailalim sa bahaging harapan ng Elf na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Sa panayam ng RMN Cauayan News Team kay Malayao, sinabi nito na nakikipagkarera umano ang biktima sa kanyang mga kasamahan at hinala pa niya na nakainom ang mga ito.

Samantala, nagkasundo naman ang magkabilang panig na magkaaregluhan at magbayad ng limampung libong piso si Malayao.

Facebook Comments