Sison, tiwalang hindi siya kayang arestuhin ng gobyerno

Tiwala si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison na hindi siya maaaresto.

Ito ay kahit humingi na ang Philippine National Police (PNP) ng red notice sa interpol laban sa kanya kasunod ng paglalabas ng Manila Regional Trial Court Branch 32 laban sa kanya at halos 30 iba pa dahil sa kasong murder kaugnay ng Inopacan massacre.

Ayon kay Sison – nakakatawa ang kasong idinidiin sa kanya.


Imposible aniyang arestuhin siya dahil kinikilala siyang political refugee.

Iginiit pa ng CPP leader na walang bisa ang kaso at hindi makakalusot sa due process sa The Netherlands.

Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año – magiging ‘wanted man’ si Sison sa buong mundo kapang nag-isyu ang red notice ang interpol laban sa kanya.

Facebook Comments