Sistema ng automated elections sa Mayo, isinailalim sa proseso ng “trusted build”

Manila, Philippines – Isinalang na sa “trusted build” ang mga vote counting machine (VCM) at ang sistema na gagamitin para sa consolidation at canvassing ng mga boto sa May 2019 mid-term elections.

Ang trusted build ay ang proseso kung saan ang source code ay kino-convert sa machine-readable binary instruction.

Una nang isinilalim sa source code review ang election management system at counting and canvassing system, pati na ang sistema na nakapaloob sa optical mark reader o election machine.


Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez ,mahalaga ang nasabing proseso sa pagtiyak ng kredibilidad ng automated election system dahil masusuri na ang lahat ng bahagi ng sistema ay nabusisi at walang depekto o problema.

Ang proseso ng trusted build ay pinangunahan ng Pro V & V, isang international software testing company, kasama ang Technical Evaluation Committee para sa automated elections.

Facebook Comments