Isasaayos ng lokal na pamahalaan ng Manaoag ang sistema ng pagtitinda ng mga sidewalk vendors sa Castro-Malapit Street sa paligid ng Minor Basilica of Manaoag.
Matatandaan na inalis ang mga ito noong nagkaroon ng road widening ngunit ngayon ay bumalik na sila sa kani-kanilang pwesto.
Pinulong ng alkalde ng bayan ang mga vendors upang ipakiusap ang pagsasaalang-alang sa kaayusan at kalinisan at maging kaaya-aya ang lugar para sa mga bibisita sa tinaguriang Pilgrims Capital of the North.
Siniguro nito na walang aalisin bagkus ay aayusin ang sistema ng pagtitinda at kalakaran sa lugar.
Pangunahing pinagkakakitaan ng mga residente sa bayan ang pagbebenta ng imahen ng Our Lady of Manaoag, kandila at marami pang ibang relihiyosong imahe.
###
Facebook Comments