Sistema para ‘di Maisanla ng mga 4P’s ang Cash Card, Inaaral na!

Cauayan City, Isabela- Pag aaralan ng Lokal na Pamahalaan ng Cauayan ang planong pag-hold sa ginagamit na cash Cards ng mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) upang maiwasan ang pagsasanla dito.

Ito ang napag-usapan sa ginawang pulong ng mga pinuno mula sa iba’t ibang departamento ng LGU at DSWD Field Office 2 kahapon sa ika-apat na Inter-Agency Council Meeting.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Mayor Bernard Dy, pag aaralan muna nila itong mabuti dahil kung ang pagbabasehan ay ang desisyon ng DSWD ay hindi nila sasasang-ayunan dahil mahihirapan naman umano ang mga ibang miyembro ng nasabing programa.


Ayon naman kay Ginang Haidee Sto. Tomas, 4ps City Link Team Leader, susubukan nitong imungkahi sa LGU ang pagkakaroon ng Executive Order na ipagbawal muna ang paghawak ng mga 4P’s members sa kanilang cash card at makukuha lamang nila ito kung pay-out na.

Sa ngayon ay may kabuuang 2,523 na mga miyembro ng 4P’s at 94 sa mga ito ay nakapagtapos na sa ilalim ng programa.

Facebook Comments