Sistema sa hudikatura sa bansa, fully functional ayon kay PBBM

Fully functional ang sistema ng hudikatura sa bansa.

Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos ibasura ng International Criminal Court (ICC) ang apela ng Pilipinas na suspendihin ang imbestigasyon sa anti-drug war campaign na inilunsad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa video message ng pangulo sa plenary session ng Second Session for Summit for democracy, inihayag nito na patuloy na magiging active player ang Pilipinas sa bilateral at global dialogues at pagtalakay sa iba’t ibang isyu sa lipunan.


Iginiit pa ng presidente na may mga batas sa Pilipinas na nagpapataw sa mga karumal-dumal na krimen sa bansa.

Patuloy rin aniyang makikipag-ugnayan ang Pilipinas sa bilateral at international platforms para talakayin ang mga isyu na may kinalaman sa demokrasya, karapatang pangtao, good governance basta’t ito ay constructive, nakabase sa katotohanan at igagalang ang soberenya ng Pilipinas.

Facebook Comments