PNP, tiniyak na mabibigyan ng scholarship ang mga naulilang anak ni PLtCol. Serna

Siniguro ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., na mabibigyan ng scholarship ang mga anak ng pinaslang na si San Miguel, Bulacan Police Chief LtCol. Marlon Serna.

Ayon kay Azurin ito’y upang matiyak na magkakaroon ng magandang kinabukasan ang mga anak ng pumanaw na opisyal at bilang pasasalamat na rin sa magandang serbisyo na inalay nito.

Kahapon dumalaw sa burol ni Serna si Azurin sa Sta. Rosa, Nueva Ecija.


Nanawagan din ito sa mga suspek na sumuko na sa mga awtoridad at nangako sa naulilang pamilya ni Serna na igagawad ang hustisya.

Matatandaang nasawi si Serna matapos tamaan ng bala sa ulo nang paputukan ng suspek na lulan ng motor kamakailan.

Nang maganap ang insidente, patungo sana ang team ni Serna sa Brgy. San Juan, San Miguel, Bulacan para rumesponde sa insidente ng nakawan.

Facebook Comments