Sistemang Pederalismo at mga Proyekto sa Bansa, Pangunahing Laman ng SONA ng Pangulo Ayon kay Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy III!

*Cauayan City, Isabela- *Inaasahan ni Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy III na maaaring manguna sa mga babanggitin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ay ang isinusulong nitong sistemang Pederalismo at mga programa nito sa bansa.

Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Governor “Bojie” Dy III, na kasalukuyang nasa Batasan ngayon para personal na saksihan ang SONA ng Pangulo, ay maaari rin umanong banggitin ng Presidente ang pagpapanatili nito sa Peace and Order at kampanya kontra iligal na droga dito sa bansa.

Inaasahan rin ng Gobernador na magiging laman sa SONA ng Pangulo ay ang pagda-dagdag nito ng mga Irrigation canals sa mga Probinsya at kung saan kabilang umano sa mga mabibigyan ay ang lalawigan ng Isabela.


Maaari rin umanong banggitin ng Pangulo ang pagtutok nito sa ating Agrikultura upang mapanatili ang Food Security ng ating bansa upang hindi na umano mag-import ng bigas mula sa ibang bansa.

Samantala, panawagan naman ni Governor Dy sa mga pinoy na ipagpatuloy lamang umano ang pagkakaisa lalo na sa mga Isabelinos upang mas lalong maisulong ang pagbabago dito sa buong lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments