Kabilang sa mga binabantayan ng DA Regional Crop Protection Center (RCPC) ang 2000 square meters na punla ng palay sa bayan ng Gonzaga, Cagayan na nasa seedbed stage pa lang na may namemeste.
Ayon sa ahensya, ang posibleng pagsulputan at paglipat sa palayan ng harabas ay dahil sa walang tanim na mais sa lugar na makainan nito.
Muling nagpaalala ang Department of Agriculture Region 2 sa lahat ng mga magsasaka sa rehiyon dos na maging mapagmatyag sa posibleng pag-atake ng Fall Armyworm o Harabas sa palayan at maisan ngayong wet season.
Bukod dito, nagsasagawa ng technical briefing ang ahensya tungkol sa Pest Identification, Diagnosis and Management Cum Surveillance and Early Warning System para sa palay, mais, at gulay sa pagkontrol ng mapanirang peste sa mga taniman.
Hinimok rin ng ahensya ang mga magsasaka na maging mapanuri ang mga magsasaka sa kanilang bukirin kung may indikasyon ng peste sa kanilang taniman.
Maaaring makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan o sa opisina ng Municipal Agriculturist sa kanilang mga lugar upang masuri ito kung ito nga ay ang mapinsalang peste tulad ng Harabas.