SITG Abiad, binuo upang imbestigahan ang nangyaring pamamaril sa isang photojournalist

Inatasan na ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., ang National Capital Region Police Office (NCRPO) at Quezon City Police District (QCPD) na imbestigahan ang nangyaring pamamaril sa photographer ng Remate na si Joshua Abiad.

Ayon kay PBGen. Red Maranan PNP Public Iinformation Office Chief na siya ring focal person ng Presidential Task Force on Media Security itinatag ang Special Investigation Task Group (SITG) Abiad upang masusing imbestigahan ang insidente.

Aniya, hihimayin ng SITG ang lahat ng mga ebidensya at testimonya ng mga saksi, mga kaanak at katrabaho nito upang matukoy ang nasa likod at motibo sa krimen.


Nangako rin ang PNP na igagawad ang hustisya sa mga biktima at papanagutin ang mga salarin.

Matatandaang kahapon pinagbabaril ng hindi pa tukoy na mga salarin ang biktima kasama ang kanyang kapatid at dalawang pamangkin sa tapat mismo ng bahay sa bahagi ng Corumi St., Masambong, San Jose del Monte, QC.

Facebook Comments