12 BARANGAY SA BAYAN NG BANGA SUMAILALIM SA ADOLESCENT SEXUAL REPRODUCTIVE HEALTH CAMPAIGN

Kalibo, Aklan – Sumailalim sa Adolescent Sexual Reproductive Health Campaign ang 12 barangay sa bayan ng Banga, Aklan. 290 ka mga kabataan ang nakinig sa lecture na pinamunuan ng taga Aklan Provincial Population and Gender Office AKPPGO sa isinagawang Healthy Young Ones HYO Class. Target ng AKPPGO na mapuntahan ang 30 barangay ng nasabing bayan kahit tuwing Sabado at Linggo para sa HYO Class. Ang pinakapakay aniya ng kampanyang ito ay para maipamulat sa mga kabataan ang tamang kalusugan at kahalagahan ng kanilang development mula pagkabata hanggang sa kanilang pagdating sa hustong gulang, ganoon din ang mga hindi magandang epekto sa kanilang pag unlad ng dahil sa teenage pregnancy. Tulong din umano ng gobyerno probinsyal ang nasabing kampanya sa mga magulang na nahihirapan sa pagtuturo at pag disiplina sa kanilang mga nagdadalaga at nagbibinatang mga anak
Facebook Comments