Situation driven framework, binuo ng PNP para sa mas mahigpit na seguridad sa 2025 midterm elections

Ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang situation-driven framework para sa mas epektibong seguridad ngayong nalalapit na 2025 midterm elections.

Ayon kay Director for Operations at Deputy Commander for STF 2025 National and Local Elections and BARMM Parliamentary Election Major Nicolas Salvador, sa nasabing situation driven framework bibigyang kakayahan ang mga unit commanders sa pagpapatupad ng targeted at adaptive security measures batay sa real-time assessment ng kanilang mga nasasakupan.

Sa datos ng Pambansang Pulisya, multiple risk factors ang naka-impluwensiya sa mga nakalipas na halalan tulad ng political rivalries, PAGS, criminal gangs, loose firearms, fake news and misinformation, vote buying, vote selling at permit to campaigns ng CTGs.


Dahil dito, sinabi ni Major Nolasco na patuloy silang magpapatupad ng mga proactive measures, coordination at intelligence sharing para matiyak ang mapayapang eleksyon sa Mayo.

Ngayong araw, pormal nang inilunsad ng PNP at COMELEC ang 100 araw na paghahanda para sa eleksyon 2025.

Facebook Comments