Antas ng paggalaw ng pangunahing bilihin at serbisyo, walang pagbabago —PSA

Inanunsyo ngayon ng Philippine Statistics Authority o PSA na walang pagbabago sa antas ng paggalaw ng pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa para sa buwan ng Enero 2025 batay na rin sa pinakahuling inflation report ng ahensiya.

Ayon kay Usec. Dennis Mapa, National Statistician at Civil Registrar General ng PSA, naitala para sa January 2025 ang inflation rate sa 2.9 percent.

Paliwanag ni Mapa na katulad ito sa buwan ng December 2024 ang inflation rate sa 2.9 percent.


Dagdag pa ng opisyal na kabilang sa mga pangunahing nakapag-ambag sa inflation rate para sa January 2025 ay ang food and non-alcoholic beverages gaya ng kamatis, karne ng baboy at galunggong.

Facebook Comments