Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na tumaas ang presyo ng pulang sibuyas.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Agriculture Assistant Sec. Kristine Evangelista na base sa kanilang monitoring ay nasa P280 hanggang P300 ang kada kilo ng pulang sibuyas.
Ngunit hinihintay pa aniya ng DA ang report ng Bureau of Plant and Industry (BPI) para makita ang supply situation at matukoy ang dahilan ng pagtaas ng presyo.
Binanggit din ng opisyal na batay sa pakikipag-usap nila sa mga magsasaka ay mayroong aanihin ngayong Disyembre.
Inaasahan anyang makatutulong ito para madagdagan ang supply at mapababa ang presyo.
Hindi pa naman masabi ng DA kung kakailanganin pang umangkat ng sibuyas dahil dedepende ito sa dami ng stocks sa mga cold storage facility.