Paglalagay ng navigational equipments sa Batanes, inuumpisahan na ngayong araw ng PCG

Matapos ang pagdating kanina ng BRP Gabriela Silang sa Basco Port, Batanes, agad na sinimulan ang paglalagay ng navigational equipment at solar light sa apat na lighthouse sa probinsya.

Partikular na ilalagay ito ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Sabtang, Mahatao, Ivana at Valanga.

Layon ng installation ng apat na navigational lantern na makatulong sa pagtataguyod ng kaligtasan ng mga bangka at barko na naglalayag sa Batanes.


Layon din nito na ipakita sa international community na sakop ng teritoryo ng Pilipinas ang mga nabanggit na lugar.

Sa mga susunod na araw ay maglalagay rin ng navigational equipment at solar light ang PCG sa iba pang karagatan sakop ng bansa.

Facebook Comments