MANILA – Maunlad na Pilipinas at walang korapsyon… Ganito inilarawan ng mga Presidential candidate ang bansa matapos ang termino sa 2022 sakaling manalo sa darating na halalan.Sa Pili-Pinas debate 2016 sa University of Pangasinan, ibinida ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na magkakaroon ng “uniform of law” ang hudikatura matapos ang kanyang termino para masugpo ang panunuhol.Tututukan din ni Santiago, ang modernisasyon sa pnp at afp at hindi niya pababayaan ang kabataan.Para kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte, isang malinis na pamahalaan at mapayapang bansa na ang Pilipinas dahil sa kapakanan ng bawat pilipino ang kanyang uunahin.Tiniyak naman ni Vice President Jejomar Binay, na mas magiging maunlad ang Pilipinas at mas angat na antas ng pamumuhay ng mga pilipino.Mas maraming permanenteng trabaho naman para sa mga pilipino ang nakikitang produkto ni Sen. Grace Poe sa kanyang pamumuno bilang pangulo ng bansa.Sabi naman ni Liberal Party Bet Mar Roxas, sa pag-alis niya sa puwesto sa 2022… isang disente at maunlad na Pilipinas ang sasalubong sa bagong henerasyon.
Sitwasyon Ng Bansa Pagdating Ng 2022, Inilarawan Ng Mga Presidentiables Sakaling Sila Ang Manalo Sa Halalan
Facebook Comments