Sitwasyon ng COVID-19 sa NCR, ibinaba na sa “moderate risk area’ category

Ibinaba na sa moderate risk area mula sa high risk para sa COVID-19 ang National Capital Region (NCR).

Ayon kay OCTA Research Fellow Professor Guido David, ang seven-day average ng Metro Manila para sa COVID-19 cases kada araw ay bumaba na sa 1,100 na mayroong positivity rate na 10%.

Habang ang reproduction rate naman ay nasa 0.57.


Sa kabila nito, iginiit ni David na bagama’t bumubuti na ang sitwasyon sa NCR ay hindi nila inirerekomenda sa pamahalaan na luwagan na ang mga restriction.

Sa oras kasi aniya na luwagan ang restrictions, maaaring mabaligtad ang trend at posibleng maging banta pa sa pandemic management.

Sa ngayon, nasa ilalim pa ng General Community Quarantine (GCQ) ang NCR na mayroong “heightened” restrictions hanggang sa katapusan ng buwan ng Mayo.

Facebook Comments