Sitwasyon ng employment sa Pilipinas, nakasalalay sa vaccination program – DOLE

Tiwala ang Department of Labor and Employment (DOLE) na bubuti ang employment situation sa bansa lalo na at umuusad ang mass immunization program ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Ito ang tugon ng DOLE sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na aabot sa higit apat na milyong Pilipino ang walang trabaho.

Ayon kay DOLE Information and Publicatio Service Director Rolly Francia, kahit ipinatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR+ bubble ay inaasahang magkakaroon ng improvement sa employment performance ng bansa sa mga susunod na buwan.


Ipinagmalaki rin ng ahensya na nasa 1.905 million workers ang nagkaroon ng trabaho mula sa unti-unting pagbubukas ng ekonomiya.

May ilang sektor ang gumanda ang employment generation kabilang ang services sector at ang agriculture sector.

Pero aminado ang DOLE na ang pagbibigay ng dekalidad na trabaho ay nananatiling hamon.

Nanawagan ang DOLE sa lahat ng manggagawa at negosyo na patuloy na ipatupad ang minimum health standards, at occupational safety at health policies.

Facebook Comments