Manila, Philippines – Inuudyukan ni Kabataan Rep. Sarah Elago ang Pangulong Duterte na imbestigahan ang sitwasyon ng housing projects ng pamahalaan.
Hinihikayat ni Elago ang Pangulo na silipin ang problema sa pabahay lalo na ang mga housing units na matagal na nakabakante gayong ang laki ng problema sa housing backlog.
Giit ni Elago, dapat na matugunan ang problema sa pabahay hindi lamang para sa mga sundalo at pulis kundi sa pangkalahatan na walang matirahan.
Pinasisilip din ni Elago ang substandard na mga housing units at ang kalakaran ng ibang may-ari na ginagawang negosyo ang pabahay na ibinibigay ng pamahalaan.
Umaasa ang kongresista na hindi babawiin ng Pangulo ang pagpapaubaya sa Kadamay ng pabahay sa Pandi Bulacan at maisasaayos din ang iba pang mga mahihirap na walang permanente at disenteng tahanan.
Nation”, Conde Batac