Sitwasyon ng Isang OFW sa Israel, Ibinahagi

Cauayan City, Isabela- Nasa maayos na kalagayan naman sa kasalukuyan ang isang Pinay OFW sa Israel sa kabila ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Israeli at Palestinian militants.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginang Divinia Sapuay, 11 taong nagtatrabahao sa Israel, kanyang sinabi na nasa maayos ang kanyang kalagayaan subalit nakaalerto lamang aniya siya kasama ang employer sakaling kinakailangan nilang lumikas sa bomb shelter.

Mayroon aniya silang maririnig na tunog ng sirena bilang hudyat ng kanilang agarang paglikas.


Sa ngayon, wala aniyang abiso ang nakakarating sa kanila mula sa Philippine Embassy.

Sa pinakahuling panayam ng iFM Cauayan sa OFW kaninang umaga, May 13, 2021, naririnig ang mangilan-ngilan pang pinapakawalang rockets ng magkabilang panig.

Batid din ani Sapuay na marami ang nasawi, nasugatan at nangangamba sa kasalukuyang hidwaan ng Israel at Palestine at posible aniya na magtatagal pa ang kanilang tensyon.

Nabatid na ito na ang pinakamalalang pag-atake sa Gaza kasunod ng tensyon sa pagitan ng Israel at Palestinian militants simula noong 2014.

Facebook Comments