Sitwasyon ng mga Pinoy sa Taiwan, patuloy na tinututukan ng OWWA

Nakatutok ngayon ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa sitwasyon ng mga Pilipino sa Taiwan matapos ang pagtama ng malakas na lindol kaninang umaga.

Ayon sa OWWA, nakaalerto sila sa ano mang pangangailangan ng mga Pinoy sa Taiwan.

Nakikipag-ugnayan na rin ang overseas post ng OWWA sa Taiwan sa Filipino communities doon.


Gayundin sa mga pinuno, at sa mga lokal na ahensya ng pamahalaan ng Taiwan upang matiyak ang kanilang kaligtasan ng mga Pilipino roon.

Facebook Comments