Nanawagan ngayon si 3-term Senator at Antique Lone District Rep. Loren Legarda sa national government na tutukan rin ang kapakanan ng mga senior citizens na isa rin sa mga apektado ngayong pandemya.
Sa interview ng RMN News Nationwide, binigyaan-diin ni Legarda na tungkulin ng pamahalaan na alagaan ng mga nakatatanda lalo na ang mga indigent senior citizens bilang pagtanaw sa mga serbisyong ginawa nila para sa bayan.
Bilang isa sa mga nagsulong ng pagsasabatas ng Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010, nais matiyak ni Legarda kung naibibigay ang mga benipisyo sa 7.5 milyong senior citizens sa bansa.
Pinasisilip din nito ang posibleng backlog sa buwanang pensyon ng mga senior citizen na isa sa kanyang inaksyonan sa probinsya ng Antique.