*Cauayan City, Isabela- *Inamin ni Nueva Vizcaya Governor Carlos Padilla na nasa kritikal na ang sitwasyon ng kanilang itinalagang quarantine facilities para sa mga COVID-19 Positive na naitala ng Lalawigan.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Governor Padilla, kanyang sinabi na dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lalawigan partikular sa bayan ng Solano ay hindi na kakayanin ng kanilang pasilidad ang pagtanggap sa mga pasyente lalo na kung magpapatuloy ang pagtaas ng bilang ng magpopositibo.
*Dati kasi aniya ay pinapayagan ng pamahalaang panlalawigan ang pag home-quarantine ng mga COVID-19 positive subalit dahil sa nakitang pagiging maluwag nito ay naglabas na ng dalawang kondisyon para rito.*
*Papayagan aniya ang home quarantine kung irerekomenda ito ng Municipal Health Office (MHO) at kung may sertipikasyon at pahintulot mula sa DOH na pinapayagang sumailalim sa home quarantine.*
*Kung hindi naman nasunod ang dalawang kondisyon ay mahigpit na ipagbabawal ang pag-quarantine sa loob ng bahay.*
*Kaugnay nito, mayroon nang kasalukuyang ginagawa ang DPWH na karagdagang quarantine facilities na kayang mag-accommodate ng 30 beds.*
*tAGS: 98.5 IFM CAUAYAN, CAUAYAN CITY, ISABELA, LUZON, NUEVA VIZCAYA, CARLOS PADILLA*