Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na manatiling alerto at mag-ingat sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Odette sa malaking bahagi ng bansa.
Sa kaniyang talumpati kahapon, sinabi ng pangulo na mahigpit nilang binabantayan ang sitwasyon ng ating mga kababayang apektado ng bagyo.
Umaasa rin ang pangulo na nasa ligtas na kalagayan ang mga residenteng dadaanan ng Bagyong Odette.
Hanggang kagabi, nasa halos 100,000 indibidwal na ang inilikas sa iba’t ibang evacuation centers dahil sa pagtama ng ikalawang pinakamalakas na bagyong nanalasa ngayong taon sa bansa.
Facebook Comments