Pinasisilip ni Bahay Partylist Representative Naella Aguinaldo ang sitwasyon ng mga resettlement sites ng gobyerno.
Kasunod ito ng ulat na pinaaalis ang mga residente sa resettlement sites sa Kasiglahan Village sa Montalban, Rizal kasunod ng matinding pagbahang dulot ng Bagyong Ulysses.
Sa resolusyong inihain ni Aguinaldo, inaatasan ng kongresista ang House Committee on Housing and Urban Development kung ligtas ang mga relocation sites at kung matitibay ang mga pabahay ng pamahalaan.
Iginiit nitong kailangang matingnan ang kaligtasan ng relocation sites upang makagawa ng batas at mga regulasyon na epektibong magsusulong ng disaster resiliency sa housing resettlements.
Dagdag pa ng kongresista, dapat magkaroon ng assessment upang magawan ng paraan ng mga kinauukulan kung lumabas man na hindi ligtas ang mga resettlement areas.