Manila, Philippines – Balik normal na ang sitwasyon sa Pigcawayan, North Cotabato,
Ito’y matapos magkasagupa ang militar at halos 200 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) kahapon.
Sa interview ng RMN kay Mayor Eliseo Garcesa – bagamat wala nang palitan ng putok sa magkabilang grupo, inaantay na lamang nila matapos ang clearing operations ng mga sundalo sa mga apektadong barangay.
Ipinagmalaki rin ng alkalde ang kahandaan ng mga otoridad at ng lokal na pamahalaan.
Pero ikinalungkot ni Mayor Garcesa na may isang miyembro ng cafgu ang patay sa insidente.
Sa kabilang banda, sinabi ni North Cotabato Provincial Police Office Spokesperson, Supt. Maria Joyce Birrey sa interview ng RMN na dalawa lamang ang nasugatan sa bakbakan.
Facebook Comments