Siyam na ang patay sa drug operation sa Matalam North Cotabato

(Update) Abot na sa siyam katao ang namatay sa inilunsad na search warrant operation sa Sito Biao ,Barangay Kilada sa bayan ng Matalam North Cotabato na nagsimula pasado alas onse ng gabi kagabi hanggang kaninang madaling araw. Kinilala ang mga napatay na sina Terereng Salping, Burad Salping, Intan Aban, isang alyas Orong , Dadting Kasan at 3 iba pa.
Nanguna sa operasyon ang Cotabato Police Mobile Force ng CPPO , 7IB , 6ID ng Phil-Army at Matalam PNP bitbit ang search warrant na inisyu ni Hon. Judge Alandrex Betoya ng RTC Branch 16 laban sa mga target na kinilalang sina Dadting Kasan at Intan Aban na may kaugnayan sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sa naging pahayag ni Police Supt Bernard Tayong tagapagsalita ng CPPO sa pagdating ng raiding team ay natunugan ito ng mga suspect kaya silay nanlaban at nakipagpalitan ng putok sa pwersa ng pamahalaan na tumagal ng isang oras.
Nadala pa sa pagamutan ang mga suspect subalit silay idineklarang dead on arrival ng mga doctor .
Nakuha sa crime scene ang mga high powered firearms tulad ng homemade 50 cal.snifer riffle ,RPG at mga bala.

Facebook Comments