Siyam na batch ng Pinoy repatriates, dadating ngayong araw

2,480 na Filipino repatriates ang dadating sa bansa ngayong araw matapos na mawalan ng trabaho sa abroad dahil sa COVID-19 pandemic.

Sila ay sakay ng siyam na magkakahiwalay na flights mula sa Middle East at Asia.

Unang dumating kaninang alas-9:00 ng umaga ang 300 Pinoy repatriates mula UAE via Philippine Airlines flight PR 659.


Bago mag-alas-2:00 mamayang hapon, dadating naman ang 300 repatirates mula Riyadh, KSA via Saudia Airlines flight SV 862.

600 repatriates din mula Abu Dhabi, UAE ang dadating mamayang hapon sakay ng magkahiwalay na flights ng Etihad Airways flight EY 424 at Emirates Airlines flight EK 332.

300 repatriates din mula Doha, Qatar via Qatar Airways flight QR 928 ang dadating bago mag-alas-5:00 mamayang hapon.

250 repatriates mula Turkey via Turkish Airlines flight TK 84 ang dadating din mamayang pasado alas-7:00 ng gabi.

180 Pinoy repatriates din mula Japan via Cebu Pacific Air flight 5J 5055 ang dadating bago mag-alas-8:00 ng gabi.

Habang 300 repatirates mula Jeddah, KSA via Saudia Airlines flight SV 870 ang dadating ng alas-9:00 ng gabi.

At ang huling batch na 200 Pinoy repatriates mula Korea via Asiana Airlines flight OZ 703 ay dadating mamayang pasado alas-10:00 ng gabi.

Facebook Comments