Siyam na buwang buntis, binaril ng shotgun at pinagtataga; menor de edad na tulak ng droga sa Quezon City, itinuturong suspek

Quezon City – Itinuturong suspek sa pagpatay sa isang babaeng buntis ang isang lalaking menor de edad na umano’y tulak ng droga sa Barangay Payatas, Quezon City.

Kwento ni Mark James Mendevilla, kinakasama ng biktimang siyam na buwang buntis na si Jizelle Duay.

Sa ulat, binaril ng shotgun at pinagtataga pa ng suspek ang biktima dahil lamang sa kulang ang ibinayad ng kinakasama ng biktima sa kinuhang droga.


Ayon kay Mendevilla, may dalawa pa raw kasama ang menor de edad nang barilin sila ng kaniyang kinakasama.

Tinungo naman ng ina ng menor de edad na suspek pero iginiit na hindi sangkot sa krimen ang kaniyang anak at hindi siya naniniwalang nagtutulak ito ng droga.

Sasampahan ng reklamong murder, frustrated murder at unintentional abortion ang menor de edad na suspek.

Facebook Comments