Grade 10 student, patay matapos masagasaan ng tren ng PNR sa Makati

Makati City – Nasawi ang isang lalaking Grade 10 student matapos masagasaan ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Makati City.

Ayon kay PNP Operations Manager Joseline Geronimo – papauwi na ng bahay ang binatilyo nang mangyari ang insidente sa Vito Cruz Station.

Nakababa na ang harang ng tren pero lumusot pa rin ang binatilyo saka naglakad sa riles.


Lumalabas na nakasuot ng headset ang estudyante at nakayuko kaya hindi nito napansin ang paparating na tren.

Facebook Comments