Iniulat ng Department of Health (DOH) na siyam sa mga tinamaan ng Delta variant ng COVID-19 ay nakapagbakuna na.
Matatandaang umabot na sa 119 ang kaso ng Delta variant sa bansa matapos madagdagan ng 55 bagong kaso nitong araw ng Linggo.
Ayon sa Department of Health (DOH), bineberipika pa nila ang vaccination status ng 86 kaso.
Pero apat sa 119 na kaso ang nakakumpleto ng dalawang dose ng COVID-19 vaccines, habang lima ang nakatanggap lamang ng unang dose.
Sa mga fully vaccinated, tatlo ang nagkaroon ng mild symptoms habang ang isa ay asymptomatic.
Ang mga nakatanggap ng first dose, tatlo ay mild cases at dalawa ang walang ipinapakitang sintopmas.
Nasa 24 na Delta variant cases ang hindi pa nakapagbakuna.
Kaya muling iginiit ng DOH na ang mga bakuna ay epektibo laban sa COVID-19 at sa variants.