SIYAM NA EMPLOYER NA MAY MATAGAL NG DELINQUENCY SA SSS SANTIAGO CITY, SINURPRESA NG R.A.C.E TEAM

Cauayan City, Isabela- Ikinasa ngayong araw ng mga opisyales ng Social Security System o SSS Cauayan, City of Ilagan, Solano at Santiago City ang surprized visit sa siyam (9) na mga delinquent employers sa Lungsod ng Santiago.

Ito ay sa pamamagitan ng simultaneous na Run After Contributions Evaders (RACE) Campaign ng SSS para sa mga employer na matagal ng may paglabag sa Social Security Act of 2018 partikular na ang hindi pagreremit ng SSS contributions ng kanilang mga empleyado, non-reporting of employees at non-production of employment records.

Dito ay pinaalalahanan ang mga delinquent employers na mag-comply at bayaran na ang mga hindi nahulugang kontribusyon ng kanilang mga empleyado at i-avail ang mga programang iniaalok ng SSS para matulungan sa kanilang mga delinquencies.

Kaugnay nito ay binigyan ng Order letter ni Atty. Vicente Sol Cuenca, Department Manager 3 ng Luzon North 2 Legal Department ang mga naabutang employer na kung saan nakasaad sa sulat na mayroon lamang silang labin limang araw (15) para mag-comply.

Pinangunahan naman ni Mr. Porfirio Balatico, Vice President ng SSS Luzon North 2 Division ang personal at pagsurpresa sa siyam na mga business establishments kasama ang ilang mga kawani ng SSS mula sa iba’t-ibang branch sa rehiyon dos at ilang mga lokal na media.

Naging payapa naman ang isinagawang RACE Campaign dahil maayos namang humarap at nakipag-usap sa RACE team ang mga delinquent employers.

Facebook Comments