Siyam na illegal fishing vessels, nasampolan sa pinaigting kampanya ng BFAR laban sa illegal fishing

Kinumpiska ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang siyam na commercial fishing vessel dahil sa illegal fishing activities sa coastal waters ng Mauban, Quezon.

Ayon kay BFAR Director Eduardo Gongona, nagpatupad ng operasyon ang BFAR-Region 4A, kasama ang iba pang law enforcement agencies nang malaman ang talamak na illegal fishing sa nasabing karagatan.

Sa loob lamang ng isang araw na operasyon, nasabat ang siyam na bangkang pangisda.


Sinabi ni Gongona, nag-o-operate ang mga fishing vessel gamit ang mga destructive fishing gear, ang tinatawag na ‘hulbot-hulbot’ o ‘Danish seine’ na ipinagbabawal sa pangingisda.

Naka-impound na sa Alabat, Quezon ang mga bangkang pangisda habang inihahanda ang kaso laban sa mga operators nito.

Facebook Comments