Siyam na Indian nationals na nagtangkang pumasok sa bansa gamit ang mga pekeng travel documents, blacklisted na – mga kasabwat sa NAIA, ini-imbestigahan

Manila, Philippines – Ipinag-utos na ni Immigration commissioner Jaime Morente ang paglalagay sa blacklist sa siyam na Indian nationals na naharang sa
Ninoy Aquino International Airport dahil sa paggamit ng pekeng visa at travel documents.

Ini-imbestigahan na rin ng Bureau of Immigration ang mga kasabwat ng Indian nationals na mga empleyado ng mga ahensya ng gobyerno na nag-o-operate sa NAIA kabilang na ang immigration personnel.

Ang naturang Indian nationals na nagpakilalang seafarers ay naipa-deport na rin sa Hong Kong na kanilang port of origin.


Ayon naman kay Immigration port operations chief Marc Red Mariñas ,hindi totoo ang sinabi ng Indians na may barkong naghihintay sa kanila ng Batangas.

Sinabi ni Marinas na base sa kanilang imbestigasyon, ang barkong sinasabi ng Indian nationals ay naka-alis na sa Batangas at papunta na ng Singapore.

Aniya, wala rin silang natanggap na abiso mula sa shipping agent na may dadating sa NAIA na foreign seafarers na sasakay sa barkong nakadaong sa Batangas.

Facebook Comments