Siyam na katao, sugatan matapos bumangga ang sinasakyang trak sa Zamboanga Del Norte

35

Zamboanga Del Norte, Philippines – Sugatan ang siyam katao matapos bumangga ang sinasakyan nilang truck sa puno ng niyog sa kahabaan ng Barangay Tipan sa bayan ng Gutalac sa Zamboanga Del Norte.

Kinilala ng Police Regional Office, ang driver ng Isuzu elf truck na si Ivan Lee Pabuaya.

Nabatid na lulan din ng naaksidenteng truck ang 20 sako ng kopra na dadalhin sana sa bayan para ibenta.

Lumalabas na nagkaroon ng break malfunction ang minamanehong truck ni Pabuaya kaya’t nawalan ito ng preno at tuluyang bumangga sa puno ng niyog.

Isinugod naman sa Dipolog Medical Center ang mga sugatang pasahero.

DZXL558

Facebook Comments