Isang guro at isa pang lalaki, arestado sa isinagawang buy bust operation sa Zamboanga Sibugay

86

Zamboanga Sibugay, Philippines – Arestado ang isang guro kasama ang isa pang lalaki sa isinagawang drug buy bust operation sa Purok Aquino, Barangay Poblacion, Diplahan sa Zamboanga Sibugay.

Sa ulat ng Police Regional Office-9, inilunsad ang operasyon kaninang alas-12:30 ng madaling araw kung saan nahuli pa sa akto ng mga pulis na nagtutulak ng droga ang dalawang suspek.

Kinilala ang mga naaresto na sina Ariel Secabalo, na nagtuturo sa Balugo Elementary School sa bayan ng Imelda ng nasabing lalawigan.

Habang ang kasama niyang nahuli ay kinilala namang si Ziepauls De La Cruz Datoy, residente ng Barangay Poblacion, Imelda.

Nakuha sa dalawa ang P100 na marked money at iba pang drug paraphernalias.

Hindi naman tinukoy ng pulisya kung may narekober din silang shabu mula sa mga nahuling suspek na ngayon ay nakadetine sa diplahan municipal police station.

DZXL558

Facebook Comments