Siyam na mananaya, muntikan namang maghati-hati sa higit 111 Million pesos jackpot ng Ultra Lotto 6/58  

Tig-100,000 pesos ang maiuuwi ng siyam na mananaya matapos makuha ang lima mula sa anim na winning digits ng Ultra Lotto 6/58.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang winning combination sa ginanap na Ultra Lotto draw kagabi ay 12-47-09-06-20-35 na may jackpot prize na ₱111,451,917.60.

Walang nakatumpak sa buong anim na numero kaya walang makakauwi ng buong jackpot prize.


Samantala, wala ring nakahakot ng 47.4 Million peso jackpot ng Super Lotto 6/49 na may numerong 15-44-21-09-13-30.

Facebook Comments