Siyam na miyembro ng Abu Sayyaf Group, sumuko sa militar sa Sulu

76

Sumuko sa militar ang siyam na miyembro ng Abu Sayyaf Group o ASG sa headquarters ng 1102nd Infantry Brigade sa Brgy Tagbak, Indanan, Sulu.

Kinilala ni Joint Task Force – Sulu at 11th Infantry Division Commander MGen. William Gonzales ang mga sumuko na sina: Alyas Mannan Abdul, Aldaser Bingkal, alyas Tisoy at alyas Madz, na mga tauhan ni ASG sub-leader Basaron Arok; Takiyo Imdan at Totoh Engal na tauhan ng namatay na leader Hatib Hajan Sawadjaan; Ahamad H Hadjilani na tauhan ni senior leader Radullan Sahiron; alyas Abu Jundi na tauhan ni sub-leader Yasser Igasan; alyas Ramon na tauhan ni sub-leader Idang Susukan at Alabsi Bisaya.

Isinuko rin nila ang kanilang mga armas.


Sinigurado ni MGen. Gonzales sa mga sumukong ASG member na makakatanggap sila ng tulong pinansyal mula sa gobyerno para sa kanilang pagbabagong buhay.

Facebook Comments