Tuguegarao LGU, umapela sa pamahalaan ng ECQ ayuda

62

Umapela ang Tuguegarao City sa pamahalaan na mabigyan din sila ng financial aid kasunod ng pagsasailalim sa lalawigan sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula Agosto 12 hanggang 20.

Ayon kay Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano, umabot na sa 724 ang active COVID-19 cases sa kanilang lungsod at punuan na ang kanilang mga ospital, mapa-pribado o pampubliko.

Aniya, sakaling gumanda ang sitwasyon sa loob ng sampung araw na ECQ, hihilingin niya sa Regional Inter-Agency Task Force (IATF) na isailalim ang lalawigan sa General Community Quarantine (GCQ) with heightened protocols.


Pero kung hindi makikitaan ng improvement ay papalawigin aniya nila ang ECQ ng pitong araw pa.

Facebook Comments