Siyam na miyembro ng Maute Group, sumuko sa gobyerno

Marawi, Philippines – Bukas ang pamahalaan para sa mga miyembro ng teroristang grupong Maute na nagbabalak nang sumuko.

Kinumpirma kasi ni Armed Forces of the Philippines Spokesperson Restituto Padilla sa isinagawang press briefing sa Malakanyang na nasa siyam na Maute members na ang sumuko sa mga otoridad.

Naniniwala rin ang opisyal na gusto ng Maute na tapusin ang bakbakan sa Marawi City sa hindi magandang paraan.


Pero patuloy aniyang nananawagan ang pamahalaan sa iilan na nais sumuko sa sandatahang lakas.

Sa naturang press conference, iniulat naman ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na mahigit 45 million pesos na ang inilaang pondo para sa ayuda sa mga apektado ng gulo sa Marawi City.
DZXL558

Facebook Comments