Makararanas ng siyam na oras na power interruption ang buong bayan ng San Nicolas at Sta. Maria sa darating na sabado, June 21, 2025.
Ayon sa abiso ng Pangasinan III Electric Corporation (PANELCO III), mararanasan ang naturang power interruption sa bayan mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.
Samantala, makararanas rin power interruption ang ilang bahagi ng bayan Tayug.
Pansamantalang mawawalan ng kuryente bilang bahagi ng mga gagawing teknikal tulad ng pagpapatuloy ng retrofitting ng Vacuum Circuit Breaker (VCB) sa Barangobong 10 MVA Substation, pagwawasto ng mga natukoy na teknikal na isyu sa 3-phase line at pagsasagawa ng Right-of-Way (ROW) clearing activity para sa kaligtasan at mas maayos na serbisyo ng kuryente.
Nagbigay paalala ang awtoridad na alisin muna sa mga sasaksan ang mga appliances kung hindi ginagamit at maghanda na ng mga pansamantalang ilaw at pagcharge ng mga powerbanks upang may magamit habang nagsasagawa ng maintenance.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









